Not a surprise!
On a very historic date, 09-09-09, Senator Benigno "Noynoy" Aquino III has officially announced that he will run for President in May 2010 elections.
The announcement was made at the Kalayaan Hall of Club Filipino in Greenhills, San Juan City earlier today in front of Noynoy's supporters, including his co-members from the Liberal Party and other celebrities like Apo Hiking Society's Jim Paredes and Ms. Leah Navarro.
Also present to back him up and give full support to his Presidential Plan were his sisters (Ballsy, Pinky, Viel and Kris Aquino), his in-laws (including James Yap) and his nephews (even the very innocent Baby James was there).
September 09, 2009 also marks the 40th day since Noynoy's mom and former President Corazon "Cory" Aquino died in August 1, 2009.
Here's the full transcript of Noynoy's announcement of his Presidential plan (Thanks Philippine Star):
On a very historic date, 09-09-09, Senator Benigno "Noynoy" Aquino III has officially announced that he will run for President in May 2010 elections.
The announcement was made at the Kalayaan Hall of Club Filipino in Greenhills, San Juan City earlier today in front of Noynoy's supporters, including his co-members from the Liberal Party and other celebrities like Apo Hiking Society's Jim Paredes and Ms. Leah Navarro.
Also present to back him up and give full support to his Presidential Plan were his sisters (Ballsy, Pinky, Viel and Kris Aquino), his in-laws (including James Yap) and his nephews (even the very innocent Baby James was there).
September 09, 2009 also marks the 40th day since Noynoy's mom and former President Corazon "Cory" Aquino died in August 1, 2009.
Here's the full transcript of Noynoy's announcement of his Presidential plan (Thanks Philippine Star):
Mga kapatid, mga kababayan:
Apatnapung (40) na araw na ang nakakalipas mula noong namatay ang ating ina. Noong araw na iyon, maraming tanong ang bumabalot sa ating isipan.
Unang una na nga ho doon, nawala ang haligi ng aming pamilya pinuno. Masaabi namin, nawala ang tanglaw sa aming dapat tahakin. Tanong na, paano natin itutuloy ang laban?
Ito ay may kaakibat na rin na tanong: Gusto pa ba ng tao na ituloy natin ang laban? Ang sagot po ay nakuha na rin natin sa taong bayan.
Doon po sa kanyang burol, doon po sa kanyang libing, pinakita natin na walang kaduda-duda na talagang nagnananais nang muli ang ating bayan na maibalik na ang ganap na demokrasya at tunay na kalayaan.
Nakita natin ang pagbabalik ng pagmamahal sa bawat isa at handang magsakripisyo para sa ika-bubuti ng nakararami. Maraming boses ang narinig sa mga sumunod na mga araw pagkatapos ng libing ng ating ina.
Habang ako ay naglalakad papunta sa puntod ng aking mga magulang, mayroon akong nakasamang isang tao at sinabi, “Noy, Presidente na tayo.”
Tiningnan ko ang mukha niya at tila mukha nga siyang seyoso.
Kaya’t biniro ko nalang ng sagot, at sabi ko, “Alam mo napaka-hirap atang sumunod kay Ginang Arroyo.”
Sinabi niya, “Kung meron ba kaming 1 million signatures, pwede ka na?”
Para maiwasan ang kanyang tanong, biniro ko nalang at sinabi ko, "50 million lang ang bilang ng tao noong panahon ng EDSA. Ngayon 95 million na." Sumagot siya, “Eh, Kung 2 million pwede na kaya?”
Di ko siya masyado sineryoso noon.
Mayroong nag-text sa aking na isang manunulat at sinasabi niya na parang isang de ja vu at nakita na niya ito noong 1986. Ako po ay nagpasalamat na lang at baka hanggang nandyan nalang.
Ngunit, dumami ng dumami (ng dumami) ang mga boses. Mayroong nagsusumamo, mayroong nagagalit at nagsabing, “Sana dalawin ka na ng nanay at tatay mo pagpinalampas mo ang pagkakataon na ito.”
Sa dami ng boses na iyon ako ay nagtungo na sa kumbento ng Carmelite sa Zamboanga. Sila po na talagang katahimikan ang hinahanap, at sa pagdating ko, tila nawala iyon -- at ako ay humihingi ng paumanhin sa kanila.
Tama ang payo ng kapatid kong si Pinky, at pakiusap pumunta ako doon para magretreat.
Pag pasok ko sa kumbentong iyon tila natahimik yung mga boses (na nag-uudyok sa akin tumakbo). Sa dami ng mga boses ay hindi ko na alam kung sino ang pakikinggan. Aaminin ko sa inyo may bahagi ng kalooban ko na parang ayaw ko ng lumabas sa kumbentong iyon.
Doon nag-umpisa ang maraming kalinawan sa dapat nating pag-isipan.
May nagsabi sa akin na kung tama ang desisyon mo madali nalang ang lahat ng dapat mong tahakin.
Isa ho doon, may pangulo kami sa aming Partido, (ang partido namin) ay inilahad at minungkahi na siya ang manguna sa ating bansa. At tayo po ay tinawag sa isang pagpupulong. At sa pagpupulong iyon, inihanda ko na ang sarili ko sa kung anong debate o mungkahi na ating maririnig.
Ngunit, ang nakita ko po doon ang isang tao na tunay na naglilingkod sa bayan. Ang isang tao na inuuna ang kapakanan ng bansa bago ang kanyang sarili.
Talagang kakaiba ang ginawa ni Mar Roxas, lalo na kung ikukumpara natin sa mga pinuno ng ating bansa. Sarili nila ang kanilang inuuna.
Noong tayo po ay nakabalik na, pagkatapos makabuluhang (retreat) pagpunta sa Carmelite. Marami pa rin tayong nakausap.
Bibigyan ko ho kayo ng tatlong halimbawa ng aking mga nakausap.
Dalawa po dito ay kabataan. Sa katunayan po ay Grade 5. (pareho)
Isa po sa kanila ay isang batang lalaki na nakilala ko po sa tindahan ng mga CD. Nilapitan ako at tinanong, “Hindi po ba kayo si Noynoy Aquino?”
Ang sabi ko ay, “Oo.”
Ang sabi naman niya ay, “Nasaan po si Kris?”
Ang sagot ko, “Nasa The Buzz, nagtatrabaho. Di ka ba nanonood noon?”
Sinundan niya ako ng sinundan sa tindahan. Ini-interview ako. Mga tanong na, Saan ako nakatira? May sasakyan ba ako?
Pinaka-importante doon sa aming dialogo, tinanong ko siya, “Ano ba ang ambisyon mo sa buhay?”
Ang sinagot niya ay, “Gusto ko maging singer.” At ang sinabi ko, “Kaya ka pala nandito ka sa tindahang ito.”
Kaya’t tinanong ko, “Sino ang paborito mong singer?”
Tinuro po niya ang isang bagong mangaawit, kinakanta sa istilong rap ang mga awitin pero mayroong social dimension. Ang kanta na napakinggan ko ay mayroong isang tao na sumakay ng isang jeep at nakita lahat ng kabulukan sa lipunan, sa dulo ang pakisuap noong tao ay “Ibaba nyo ako sa jeep na ito!”
Bilib ka nga naman sa batang ito. Kahit bata pa lamang siya, mulat na at marunong pumili ng maka-buluhang tugtugin.
Yung isa naman, nagkataon ay Grade 5 din. Ito naman sa Tarlac sa isang restaurant. Itinuro niya ako sa kanyang mga magulang at kami ay nagkaroon ng picture taking session. Babalikan ko nga kasi gusto niya ng solo picture, dahil siya lang po ang hindi naka-solo picture.
Tinanong niya ako, “Tatakbo na ho ba kayo?”
Bilib taaga ako sa batang ito, grade 5 pa lang ngunit mulat na. Ang sinagot ko naman ay, “Hindi mo naman ako iboboto. Ikakampanya mo ba ako?” Sabi niya, “Kinakampanya ko na po kayo.”
Siguro ho, dito tayo sa pinakasimple.
Mayroon isang tauhan ng customs na nakausap ang ating isang kasamahan (Na matagal na tayong inuudyok tumakbo.) Tinanong niya, “Tatakbo na ba?” Ang sagot naman ng ating kasamahan ay, “Tatakbo na nga!” At ang sinabi ng taga-customs ay, “Salamat!” Tinanong siya kung bakit siya nagpapasalamat. At ang kanyang sinabi ay, “Salamat naman at pwede na po muling mangarap.”
Noong ako’y bata pa, itinuro sa akin ng aming guro. Isang heswita, na tila kailangang makausap ni Fr. Manoling at Fr. Arevalo.
Sinabi po nila na ang pinaka-malaking kasalanan ay ang pagkawala ng pag-asa.
Dahil mayroon Diyos na nagmamahal sa atin, at parang sinasabi natin na tina-talikuran tayo ng Diyos kung mawalan ng pag-asa. Tila, ito ang pinakamalaking kasalanan.
Libre ang mangarap. Nakakagimbal na nasa wastong isip na at sinasabi na “sa wakas pwedeng ng muling mangarap.” Pati ba mangarap di na pwede sa kasalukuyan?
Matagal ko ng napag-isipan at tila kailangan na nga ho magdiklara sa araw na ito.
Tinatanggap ko ang hiling ng sambayanan.
Tinatanggap ko na rin po ang bilin, habilin at tagubilin ng aking mga magulang.
Tinatanggap ko ang responsibilidad na ituloy ang laban para sa bayan.
Tinatanggap ko ang hamong mamuno sa labang ito.
Bayang Pilipinas, tatakbo po ako sa pagka-Pangulo sa darating na halalan.
Itutuloy po natin ang laban. Mabuhay ang Pilipinas!
Nawa'y pagpalain tayo ng poong may kapal.
Maraming, maraming salamat po.
No comments:
Post a Comment