Thursday, May 28, 2009

Sarah compares herself to Charice

There was this issue before that Charice ALLEGEDLY said that she is popular internationally while Sarah Geronimo is only popular in the Philippines.

Of course, fans of Sarah were mad about it while Charice's supporters defended her claiming that Charice never said it.

Sarah Geronimo, who won as Female Star of the Night during the 25th PMPC Star Awards for Movies held last night, was interviewed during the press conference yesterday afternoon of her The Next One Philippine Tour starting from June 12 to September 20.

And there she was asked about her side regarding the alleged statement of Charice.

Sarah humbly admitted that Charice is indeed more popular than her in the international scene.

She also considers Charice as the better singer.

Allan Diones of Abante-Tonite had an interview with Charice and here's an excerpt:

Na-quote kasi si Charice na nagdayalog umano ito sa isang interview na si Sarah ay dito lang sa ‘Pinas sikat, samantalang siya ay sikat internationally.

“Wala naman po ta­lagang makakatapat kay Charice Pempengco. Si Charice ay nag-iisa ‘yan.”

Pero marami siyang fans na na-offend sa sinabi raw na ‘yon ni Charice, na kesyo pang-internationa ang kasikatan nito, samantalang siya ay local lang.

“Well, totoo naman po talaga ‘yun, eh.”

Pero mas sikat siya kay Charice dito sa ‘Pinas, ‘di ba?

“Ha? Dito, oo. Gano’n? Ano ba ‘yon? Hala! Ha! Ha! Ha! Naulit ko lang po ‘yung sinabi n’yo! Ha! Ha! Ha!

“Hindi, sinasabi ko nga po na kung anuman ‘yung nararating ni Charice ngayon, isa siyang inspirasyon sa a­ming lahat.

“I mean, for sure naman, bawat local artist dito sa Pilipinas, eh na­ngangarap na maging isang Charice Pempengco na makilala sa buong mundo.”

So, gusto niya ring makasama at makatrabaho si Charice?

“Opo naman. Pero hindi ko kaya ‘yung ganu’n na grabe po siya kumanta, na as in ang tataas lahat. Hindi ko kaya ‘yon. Kasi ako po, ngayong nag-20 na ako, kumbaga na-figure out ko na kung ano talaga ‘yung style ko. Kung ano talaga ‘yung ine-enjoy ko na kantahin.

“’Yun ‘yung pag nagsasayaw ako habang kumakanta. ‘Yun ‘yung gusto ko talaga. Siguro, mga sundut-sundot na may mga birit-birit, pero hindi lahat ng song, eh birit. Hindi po, hindi ko kaya ‘yon.”

Parang sinasabi niyang mas magaling sa kanya si Charice?

“Opo. Kumbaga, lahat naman ng tao, laging may mas maga­ling sa ‘yo, eh! At kaila­ngan mong i-accept ‘yon.

“So kumbaga, kung anuman ‘yung meron ako, laging may ganu’n, eh… meron ako na wala siya, meron siya na wala ako. Siguro, ‘yun na lang ‘yung ie-enhance ko at ii-improve ko.”

ON HAYDEN KHO SCANDALS

“Definitely, affected ang ating industriya at siyempre, tayo rin bilang isang bansa. Kasi, kumakalat na po ‘yon sa internet.

“Pero katulad ng sinasabi nila, magiging maa­yos din ang lahat. Ang mahalaga, we learn from our mistakes. Lahat naman tayo, nagkakamali. Pero dapat hindi na uulitin.

“Kumbaga, siguro ito na ‘yung palo ni Lord doon sa pagiging imoral, ‘di ba? Na paulit-ulit ginagawa ‘yon na closed doors, na akala nila, walang makakaalam.

“Ayan, lumabas na. Na-expose na. So siguro, ‘yun ang lesson, na tama na, itigil na!”

Bilang isa sa mga celebrity endorser ng Belo Medical Group, ang suporta ba niya ay na kay Dra. Vicki Belo?

“Of course, opo naman. Kasi, unang-una sa lahat, wala namang kina­laman si Dra. Belo diyan sa eskandalo na ‘yan. Nagkataon lang siguro na partner niya si Hayden Kho. So, makakabangon at makakabangon din naman po siya.”

Knowing her kung gaano siya ka-wholesome, for sure hindi niya pa napapanood ang alinman sa naglipanang sex videos ni Hayden?

“Hindi ko pa po napapanood. At saka sabi ni Katrina (Halili), tama na, ‘di ba? Huwag na siyang babuyin pa nang paulit-ulit. So, nirerespeto ko ‘yon kahit na curious ako. Sobrang curious.”

Ah talaga, curious din siyang mapanood ang nasabing video?

“Opo naman, syempre!”

Eh paano kung may kaibigan siya na magpa­kita sa kanya ng pinagpipiyestahang s-x video, panonoorin ba niya ito?

“Huwag na lang! Kasi syempre, babae rin po ako. Huwag na lang!”

Anong pakiramdam niya parang lagi na lang nai-involve ang kompanya ni Dra. Vicki sa mga ganitong eskandalo na may kaugnayan sa sex?

Nu’ng una ay ‘yung kay James Yap at sa Belo receptionist na si Hope Centeno. Ngayon naman ay ang nobyo ni Dra. Vicki na si Dr. Hayden at sa Belo endorser na si Katrina at iba pang babae.

“Ang hirap naman sagutin ng tanong na ‘yan! Ha! Ha! Ha!

“Hindi. Ako po kasi, loyal naman ako kay Dra. Belo. At ang laki na rin po nang naitu­long niya sa akin. So, suportahan na lang po kami bilang endorser.”

No comments:

Post a Comment