Saturday, January 9, 2010

Piolo Pascual pinagtataguan daw si Rica Paras ng PBB

PBB Double Up ex-housemate Rica Paras guested on Entertainment Live today at sinabi niyang hindi pa rin niya nakikita in person ang ultimate crush niyang si Piolo Pascual mula nang lumabas siya sa Bahay ni Kuya.

At ayon pa sa transvestite housemate, feeling niya ay nagtatago sa kanya si Piolo at 'pag nakita niya ito ay hahalikan niya ito nang bonggang-bongga.

Sa sinabi niyang 'yon ay baka mas lalong magtago si Piolo sa kanya.

Umaasa naman si Rica na someday ay makapareha niya si Piolo in a project. Biro tuloy ng host na si Toni Gonzaga, naghahanap daw ng bagong ka-loveteam si Piolo after Angel Locsin at KC Concepcion na ikinatuwa naman ni Rica.

At least for this week, Rica had been very busy guesting on TV. She guested on The Buzz, PBB Uber, Uplate, earlier at ELive and later tonight, on Boy Abunda's The Bottomline.

No comments:

Post a Comment